Tropa lang! Sandro itinatwang GF si Alexa

Itinanggi ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang mga espekulasyon na girlfriend nito ang aktres na si Alexa Miro.

Sa isang video na naka-post sa TikTok, sinabi ni Marcos na si Miro ay kanyang kabarkada.

“Kasama yan sa barkada ko,” sabi ni Marcos. “Magkaibigan talaga kami ever since.”

Ayon kay Marcos pumunta ito sa Singapore kung ito nanood ng F1 Grand Prix kasama ang kanyang mga barkada at hindi para samahan ang kanyang tatay na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Two things hindi ko sinamahan ang tatay ko, may sarili akong lakad kasama… we were about 12 of us ako at ang aking mga kaibigan after nag-recess, ay matagal na naming plinano yan, matagal na namin na-book yan,” sabi ng kongresista.

Ipinaliwanag ni Marcos na ang litrato na kumakalat online kung saan makikita siya ay si Miro na masaya ay “staged.”

“Alam nyo yung picture na umiikot dyan online staged yun,” dagdag pa ni Marcos. “I was with a big group of people nung kami po ay umiikot may lumapit sa amin may kinukuha kaming… I think something to drink or whatever may lumapit sa amin and they said picturan ko kayo pero you have to cheers and look happy so nung gumaganun kami (nag-cheers) staged yun.”

Hindi umano alam ni Marcos na lalabas ang litrato sa F1 website at marami ang mag-a-assume.

“Lumabas eh andaming nag-assume, number one that I was with my dad, which wasn’t true I only saw him once, number two na si Alexa (Miro) girlfriend ko, which is not she’s a friend of mine. Ang kasama yan sa barkada ko,” dagdag pa ng panganay na anak ng Pangulo. (Billy Begas)

The post Tropa lang! Sandro itinatwang GF si Alexa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments