Vhong babasahan na ng sakdal sa rape

Itinakda ang arraignment at pre-trial conference para sa kasong rape laban kay Vhong Navarro sa Oktubre 11.

Ayon kay Taguig Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Datahan, nakuha ng korte ang hurisdiksiyon kay Navarro.

Isasagawa ang proceedings sa hall of justice Martes ng hapon.

Noong nakaraang buwan sumuko si Navarro sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang arrest warrant laban sa kanya para sa kasong isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Nakapagpiyansa pa si Navarro para sa kaso niyang acts of lasciviousness nang lumabas ang isa pang arrest warrant para naman sa kasong rape na non-bailable. (Issa Santiago)

The post Vhong babasahan na ng sakdal sa rape first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments