Sampung senador ang nagpahayag ng suporta sa panukala na magtayo ng super maximum penitentiary para sa itinuturing na high-profile na mga preso.
Ibinunyag ito ni Senate President Juan Miguel `Migz’ Zubiri sa isang press conference ilang oras matapos ihayag ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng kasong murder laban sa suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag, BuCor deputy security officer Ricardo Zulueta at iba pang bilanggo na sangkot sa pagpaslang sa brodkaster na si Percival `Percy Lapid’ Mabasa at ang diumano’y middleman na si Crisanto Villamor.
Sabi ni Zubiri, ang pagkasangkot ni Bantag sa pagpatay kay Villamor ay sapat nang dahilan para isulong ang pagbuo ng super maximum jail sa labas ng Metro Manila.
“We will put them in an isolated area,” wika pa ni Zubiri.
Hindi naman binanggit ng senador kung saang lugar itatayo ang panukalang super maximum jail para sa mga high profile na preso.
“I will no longer discuss the area, binanggit na sa akin ni (Justice) Secretary (Jesus Crispin) Remulla. Ayoko na magsabi kasi may mga reaction `yung mga local official and `yung iba ayaw nila eh,” saad ni Zubiri. (Dindo Matining)
The post 10 senador bet ihiwalay ng kulungan mga bigating preso first appeared on Abante Tonite.
0 Comments