Aaron Carter patay na!

Ni Rommel Gonzales

Sumakabilang-buhay na ang pop singer na si Aaron Carter!

Si Aaron ay nakababatang kapatid ni Nick Carter ng sikat na boy group na Backstreet Boys.

Ayon sa ulat ng Los Angeles County Sheriff’s Department, sila ay nakatanggap ng tawag na humihingi ng saklolo mula sa bahay ni Aaron sa Lancaster, California, bandang alas onse ng umaga, November 5, US time.

Natagpuang wala ng buhay sa bathtub si Aaron; thirty- four years old lamang ang mang-aawit.

Wala pang inilalabas ang mga awtoridad na sanhi ng kamatayan ni Aaron.

May one-year old baby si Aaron na nagngangalang Prince na ang ina ay si Melanie Martin.

Bata pa lamang noong sumikat si Aaron sa pamamagitan ng mga kantang “I Want Candy” at “Crush on You”.

Ang kanyang debut album na “Aaron Carter” ay ni-release noong 1997 at ang kanyang panlima at huling album na “Love” ay ni-release noong 2018.

Napanood rin si Aaron sa mga TV shows tulad ng “Lizzie McGuire” sa Disney Channel at sa “7th Heaven” sa The WB Television Network at sa reality series ng kanilang pamilya na “The House Of Carters” sa E! Entertaiment Television.

The post Aaron Carter patay na! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments