Arjo, Maine isinabuhay ang pagiging Lovers In Paris

Ni: Glen P. Sibonga

Espesyal ang naging pagbati ni Maine Mendoza sa kaarawan ng kanyang fiance na si Arjo Atayde nang mag-post siya sa Instagram ng pictures nila sa kanilang bakasyon sa abroad kung saan isinabuhay nila ang pagiging Lovers In Paris.

Ang “Lovers In Paris” ay ang sikat na 2004 South Korean television series na pumatok din dito sa Pilipinas.

Simpleng “happy birthday” lang ang caption ng post ni Maine pero ang masarap na mga ngiti nila ni Arjo sa pictures ay patunay lang ng kasiyahang nararamdaman nila na makasama ang isa’t isa sa pagbabakasyon sa Paris. Napakaganda pa ng background nila – ang pamosong Eiffel Tower – para sa mga tunay na Lovers in Paris.

July 28, 2022 nang ma-engage sina Arjo at Maine. (GLEN P. SIBONGA)

The post Arjo, Maine isinabuhay ang pagiging Lovers In Paris first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments