Derek, Ellen magpapakaligaya unang anibersaryo sa Peru

NI: BETH GELENA

Malapit na ang first wedding anniversary nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa kanilang first anniv, trip to South America ang mag-asawa kung saan ‘yun daw ang dream destination noon pa ng aktor.
“I’ve been wanting to go there and now I get to go there with my wife, that’s even better,” ani Derek sa isang panayam.
November 11, 2021 nang kinasal sina Ellen at Derek sa Bagac, Bataan.

Ayon sa actor, aalis sila ngayong Nobember 4, “We’re flying to Peru and Bolivia.”

Ayon naman kay Ellen, pina-block na raw.m sa.kanya ng mister ang date na November 4 hanggang 20. Nagtanong daw siya kung bakit.

Ang sagot daw ng mister ay dadalhin siya sa kung saan at yun daw ang gift niya sa misis.

Hindi raw napilit ni Ellen kung saan siya dadalhin ng asawa.

“A surprise is a surprise,” sagot lang daw ng aktor.

Pero kalaunan daw ay sinabj rin ni Derek kung saan sila.pupunta.

Parte ng agenda ng actor kung bakit niya gustong bisitahin ang bansa ay para makita ang popular tourist spot sa Peru, ang Machu Picchu na nasa mabatong Andes Mountains .

Ang Machu Picchu ay na-built nu’ng 15th century ng Incan Empire.

Hindi makakasama ngmag-asawa si Elias, ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

The post Derek, Ellen magpapakaligaya unang anibersaryo sa Peru first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments