Maine pang-Eat Bulaga na lang ingay

Ni Alwin Ignacio

Trending topic ang #MaineMendoza sa Twitter dahil nga may almost 7 million followers ito sa nasabing social media site.

Ang isa pang dahilan, eh may glamorous photo shoot ito para sa isang fashion magazine na sa online na lamang matutunghayan at wala na nga itong print version

Dahil nga impressive ang digits ng Philippine Sweetheart, masasabi pa ba nating sikat pa ito at nararamaman pa ba ang kanyang kasikatan?

Kung ang fashion shoot ang gagawing indicator na she still commands attention and can arouse curiosity, hindi na natin dapat pag duduhan na sa online world, eh talagang grabehan ang following ni Binibining Mendoza.

Eh sa telebisyon? Dama pa ba ang kasikatan ni Nicomaine? Nagiging kwela lang siya bilang one of those babaing hamog sa “Eat Bulaga” at ang palatuntunan nila ni Bossing Vic Sotto, ang every Saturday night na “Dady’s Girl,” may suusubaybay ba talaga or malungkot mang sabihin eh sila-sila lang yata ang manonood?

Nagkakasaysay lang si Mendoza at pinag-uusapan pag may ganap sila ni Arjo Atayde pero pag walang anghang at init ang kanilang pagmamahalan, one of those starlets na lang talaga siya, hindi ba naman.

From phenomenal star, Philippine sweetheart to starlet, my gosh! Kung sabagay, hindi naman yata bothered si Maine Mendoza sa fame dahil alam niya na fleeting ito. Ang panalo na lang talaga sa kanya eh may niche na siya kaya hangga’t may “Eat Bulaga”, tiyak na hindi siya mawawala sa paligid-ligid ng linga. Pero dun na lang ba ang ingag niya?

The post Maine pang-Eat Bulaga na lang ingay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments