Enrico Joaquin Garcia Mapua University minasaker ang Jose Rizal University

Pasabog si Enrico Joaquin ‘Joaqui’ Gracia ng 11 sa 17 points niya sa final half upang resbakan ang first round tormentor Rizal Heavy Bombers, 74-49, at suminghap pa sa semifinals ng 98th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament second round eliminations Miyerkoles ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Iyon ang panlimang pangingibabaw ng MU sa huling anim na sabak, pangatlong dikit para sa 5-9 win-loss slate sa pagkapit sa pangsiyam sa 10-eskuwelahang liga, sinalya ang JRU sa 5-5 sa pagpirmi sa panlima.

Malaking puhunan din ng Muralla-based squad ang depensa na dumiyeta sa mga basketbolista ng Mandaluyong sa 18 puntos lang sa second half.

Ang iskor:

MU74 – Garcia 17, Nocum 12, Bonifacio 10, Mercado 7, Hernandez 7, Cuenco 5, Pido 5, Lacap 4, Agustin 3, Salenga 2, Soriano 2.

JRU 49 – Medina 15, Dionisio 12, Dela Rosa 8, Miranda 4, Arenal 2, Amores 2, Sy 2, Celis 2, Guiab 1, Delos Santos 1, Tan 0, De Jesus 0, Villarin 0, Abaoag 0. (Ramil Cruz)

The post Enrico Joaquin Garcia Mapua University minasaker ang Jose Rizal University first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments