Arci inokray pagluluksa sa K-drama idol

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang Instagram account, nagpahayag ng pakikidalamhati si Arci Munoz sa mga biktima ng Itaewon stampede kung saan 154 na katao ang sinamang-palad na casualties sa pagdiriwang ng Halloween.

Aniya, nalulungkot daw siya sa nangyaring trahedya kung saan hindi rin nakaligtas ang K drama actor na si Lee Ji-Han .

Hirit pa niya, ipinagdarasal daw niya ang katahimikan ng mga kaluluwa ng mga ito at nawa’y maka-move on agad sa nabanggit na aksidente ang mga naiwang pamilya ng kanyang idolo.

Inokray naman siya ng isang netizen at sinabi nitong maraming kababayan din niya ang namatay lalo na sa Mindanao sa hagupit ng bagyong Paeng.

Hirit tuloy ng mahadera, inuuna pa nitong magluksa sa K drama actor at para sa South Korea samantalang mas dapat nitong tangkilikin at damayan muna ang kanyang mga kababayan na nalugmok ng nagdaang super typhoon. (Archie Liao)

The post Arci inokray pagluluksa sa K-drama idol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments