Enrique sapaw ni Reid

Ni Alwin Ignacio

Patok na patok sa pawoke universe that is Twitter ang #Liza Soberano bilang isa sa mga top trending topic. Bakit kaniyo nagkakagulo na naman ang lahat dahil kay La Soberano?

Kasi naman, sakdal naman ang kaniyang dakilang ganda na inirampa niya sa premiere showing ng isang banyagang pelikula.

Ang panalo pa sa pagrampa ni Liza, best in casual outfit ang kanyang all black jacket and skirt ensemble at yes oh yes, ang kanyang ruby red matte lipstick made her look more divine and inviting. Best accessory niya for the night ang muy guapito niyang manager na si James Reid who screams gorgeous without trying in his all bronze get up and to die for platinum blonde hair.

Universal ang agreement ng netizens na mas blooming at mas mapangrahuyo ngayon si Soberano sa piling ni Reid. Mas gumanda si Liza dahil kay James. Lahat ng mga larawan niyang binabalandra na pawang media magnet event sa Amerika eh hindi maitatanggi ang kanyang hinhin na tangi at dakilang ganda. Walang dapat ipagalala ang kanyang mga panatiko at sumusuporta dahil nga she is in good hands with Reid and it shows, hindi ba naman?


Kahit pa nga kung kani-kaninong super model at alta ladies sa US ang idiidkit sa Fil-Aussie actor, producer at singer, hindi nagpapalupig ang pag-asa ng mga sumusubaybay sa kanila ni Soberano na hindi mananatiling manager-talent lang ang kanilang pagsasamahan at relasyon..

Taimtim na nanalangin ang kanilang mga batalyon at hukbo na maging in a romantic relationship sina Liza Soberano at James Reid lalo na nga’t kitang-kita na they look great together

Sa ngayon, maging happy na muna ang lahat na mas gumaganda ang aktres dahil sa lalaking makisig, na maganda ang mukha at tindig.

Paano na si Enriqe Gil? Naku! Nasapawan ba ni James?.

The post Enrique sapaw ni Reid first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments