Hindi maghihiwalay: Sharon at Kiko halos langgamin sa todong lambingan

Personal naming nasaksihan ang sweetness nina Sharon Cuneta at mister niyang si former Senator Kiko Pangilinan dahil isa rin kami sa mga invited guests sa debut ni Yohan Agoncillo, ang panganay na anak ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo.

Halos langgamin sa ka-sweet-an ang Megastar at ang Senador noong Sabado ng gabi, November 19, kaya hindi namin inakala na nagsilbing reconciliation pala ng mag-asawa ang naturang party ni Yohan.

Anim na buwan palang may alitan sa pagitan ng dalawa; si Sharon mismo ang nag-reveal nito sa kanyang Instagram post, na may LQ (lovers’ quarrel) pala silang mag-asawa nang ganoong katagal.

Shocking rin ang rebelasyon ni Sharon na ang LQ nilang mag-asawa ay muntik nang mauwi sa hiwalayan!

Mabuti na lamang at nagkaayos ang mag-asawa, saksi kami kung paanong maglambingan ang dalawa sa mesa nila sa Axon Hall sa Green Sun Hotel kung saan ginanap ang debut ni Yohan.

Sa isang post nga ng Megastar ng litrato nilang mag-asawa kung saan nakahilig ang ulo ni Senator Kiko sa balikat ni Mega ay kinikilig na nag-comment si Judy Ann ng… “Ayieeeeee!!!!! 😍😍😍

Sa isang litrato naman kung saan nakayakap si Senator Kiko sa kanyang misis ay nag-comment si Ryan ng… “Love you Ate and Kuya❤(Rommel Gonzales)

The post Hindi maghihiwalay: Sharon at Kiko halos langgamin sa todong lambingan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments