Julia inakit si Gerald

Viral ang kumalat na TikTok video ni Julia Barretto kung saan naghuhugas siya ng mga kamay habang kumakanta ng Happy Birthday.

Ang siste, parang katatapos lang ng ritwal ng aktres na nakasuot sa kanyang sexy pink outfit na mataas ang slit.
Enticing din ang kanyang look na waring nang-aakit ang alindog.

Hirit tuloy ng netizen, change image na raw ang aktres dahil bet na yata nitong mag-join sa bandwagon of Vivamax stars.

Baka raw paghahanda na ito ni Juls sa pagtanggap ng mas mapangahas na roles.

May nag-opinyon namang umi-Ivana Alawi ang girlfriend ni Gerald Anderson na umano’y gustong akitin ang kanyang dyowa.

Sey naman ng iba, lumabas daw ang itinatagong kaseksihan ng aktres na hindi naman malaswang tingnan..

May ilan namang nag-aampalaya na humirit na starlet ang datingan ng pose ni Julia.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Join na ba siya sa Vivamax stars na magpapaseksi?”
“Nang-aakit kay Ge.”

“Watch out, Ivana!”

“Lol. Katatapos lang ng ritwal.”

“Sexy naman siya in fairness.”

Carla nauntog kay Tom

Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-open up si Carla Abellana sa kanyang personal na pinagdaanan sa buhay kasama na ang pag-aasawa.

Hirit pa niya, noong pumasok daw siya sa showbiz ay nagkaroon siya ng “culture shock” dahil hindi siya sanay sa ganitong klase ng mundo.

Dati raw kasing umiinog ang buhay niya sa corporate world kaya nagkaroon siya ng 360 degrees turn sa pagyakap sa kanyang bagong routine.

Wala rin daw talaga sa hinagap niya na magiging artista siya balang araw.

It was her manager and abuela raw ang nag-convince sa kanya na i-try ang acting.

Noong nakapasok na raw siya sa pag-aartista, doon na raw niya naranasan ang ma-compliment at ma-bash.

Pero wala raw naman siyang regrets sa mundong kanyang pinasok lalo pa’t napamahal na sa kanya ang acting.

Aniya, marami rin daw leksyon ang itinuro sa kanya ng pandemya.

Na-realize raw niya na maraming bagay sa buhay ang hindi sigurado kasama na ang pakikipagrelasyon.
Gayunpaman, importante raw na magkaroon ng positive outlook sa buhay sa kabila ng mga kanegahanang nangyayari sa mundo o anumang pinagdadaanan.

Sey pa niya, ang mga natutunan daw niya sa pakikipagrelasyon ang naging daan para maging mas matalino siya at mas matatag.

Kasama raw sa sugal ng pakikipagrelasyon ang minsang mauntog ka o makaranas ng heartaches.
“Ang pinakaimportante, itong past year talaga, we will never know kung anong mangyayari. We may make plans or we see everything… But sometimes life just hits you na parang hindi mo talaga alam what’s going to happen tomorrow. Yung parang what you have is just today,” ani Carla.

Sa lowest point daw ng kanyang buhay, doon niya napagtanto na in the end, ang sarili mo pa rin ang sasalba sa iyo.
“There are times talaga na you have only yourself to help you… “Tsaka aminin naman natin, ‘yung support system natin hindi naman ‘yan nandiyan 24/7 sa’yo, ‘di ba? Hindi naman ‘yan nakakakabit sayo forever ‘di ba?” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, sa kabila ng failed marriage, naniniwala rin daw siya sa love.

The post Julia inakit si Gerald first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments