Lady kidnapper nagpanggap na pulis, timbog

Isang babae ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya matapos itong magpanggap na pulis at nagtangkang lumusot sa isang checkpoint sa Talisay, Batangas nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Vanessa Mago, 36, tubong Naga City at naninirahan sa Sto. Tomas City, Batangas.

Batay sa report, naaresto ito sa checkpoint nang sitahin habang nakaangkas sa isang rider dahil sa pagsusuot ng pulis uniform na Olive Drab na may marking na “PULIS” pero nakasuot ng pang ibaba na jogging pants at athletic shoes na hindi akma sa pamantayan ng tamang bihis ng isang PNP member.

Nang maberepika sa Talisay MPS, natuklasan na ito ay mayroong existing warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention and Violation of PD 1829 na inisyu ng RTC Branch 63, sa Calabanga, Camarines Sur.

Ang warrant of arrest ay agad ding inihain ng kapulisan ng Talisay kasama ang RID 4A – RIT Batangas, Calabanga MPS, Camarines Sur (PRO5), PNP IMEG Luzon Field Unit 4A at PNP Maritime Monitoring Post, Talisay, Batangas.

Ang suspek ay sasampahan din ng kasong paglabag sa Article 177 and 179 of the RPC (Usurpation of Authority & Illegal Use of Uniform or Insignia). (Ronilo Dagos)

The post Lady kidnapper nagpanggap na pulis, timbog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments