Motor nag-dive sa tulay, rider patay

Patay ang isang rider nang bumulusok ang minamanehong motorsiklo sa isang tulay sa Imus City, Cavite Miyerkules ng hapon.

Isinugod pa sa Imus Hospital si Marvin Arispe y Tubiera, nasa wastong edad, subalit hindi na umabot ng buhay dahil sa malalang pinsala sa katawan.

Sa ulat ni PSSg Wilfred Guevarra, ng Imus City Police, ala-1:40 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente. Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi sa Daang Hari road patungong Gen. Trias City at pag-akyat sa tulay ng Daang Hari ay nawalan umano’y nawalan siya ng kontrol sa motorsiklo at dumiretso ito sa isang bukas na bahagi ng tulay at nahulog.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng CDRRMO at isinugod sa ospital si Arispe subalit hindi na umabot ng buhay. (Gene Adsuara)

The post Motor nag-dive sa tulay, rider patay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments