PBBM sinipa `bata’ ni Diokno sa BIR

Sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang diumano’y `bata’ ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na si Lilia Guillermo.

Itinalaga ng pangulo si Atty. Romeo Lumagui Jr. bilang bagong BIR chief na unang pinaupo bilang deputy commissioner ng ahensiya noong Setyembre 2022.

Wala pang limang buwan si Guillermo bilang BIR commissioner. Itinalaga siya sa ahensya noong Hulyo 1, 2022.

Kasama ni Diokno si Guillermo sa Bangko Sentral ng Pilipinas at umalis siya dito bilang assistant governor para maging BIR commissioner.

Samantala, panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte pa si Lumagui pumasok sa BIR. Setyembre 2016 siya nagsimula sa BIR sa Office of the Commissioner.

Bago napunta sa BIR si Lumagui, nasa Morales Justiniano, Pena and Lumagui Law Office siya kung saan isa siya sa mga founding partner.

Sa Ateneo Law School nagtapos si Lumagui at mahigit siyam na taon naman siyang nagtrabaho sa Sycip, Salazar, Hernandez and Gatmaitan. (Eileen Mencias)

The post PBBM sinipa `bata’ ni Diokno sa BIR first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments