Kinompronta ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang pinuno ng Philippine General Hospital (PGH) dahil sapag-isnab umano sa kanyang text noongmanganak ang kanyang asawa tatlong taon naang nakakaraan.
Sa deliberasyon ng 2023 budget ng PGH saSenado, tinanong ni Pimentel si Dr. Gerardo Legaspi, director ng PGH, kung bigla itonghindi mahagilap nang i-flllow up niya ang kaso ng kanyang asawang si Kathryna noongMarso 2020.
“Bakit nung time na ‘yun ako ay indirectly in touch with Director Legaspi, pinaasaniya ako na malilipat si Kat dun, dun manganganak tapos biglang hindi nasumasagot sa text ko. So ano siya, willing siyang mamatay ang asawa ko, sa daanmanganak?” ani Pimentel.
“Mabuti nga hindi namatay ‘yung misis ko at saka anak ko,” dagdag niya.
Kuwento ni Pimentel, nais niyang ilipat ang kanyang asawa sa PGH matapos ang sigalot saisang pribadong ospital kung saan siyaunang isinugod para sa kanyang panganganak.
Matatandaang naging laman ng balita noon ang mag-asawa nang tamaan ng Covid-19 ang senador habang sinasamahan ang kanyangmaybahay sa Makati Medical Center.
Subalit sabi ni Legaspi, sa pamamagitan niSenador Pia Cayetano na sponsor ng budget ng PGH, na sumagot umano siya sa text at nagpasalamat pa nga ang seandor napinabulaanan ni Pimentel at nanindiganwalang natanggap ng sagot mula kay Legaspi. (Dindo Matining)
The post PGH exec ginisa ni Koko, manganganak na misis dinedma first appeared on Abante Tonite.
0 Comments