Ryan at Juday ipinag-party ng bongga ang anak na si Yohan

Dumalo kami kagabi sa bonggang debut party ni Johanna Lois Agoncillo o Yohan na panganay na anak ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos-Agoncillo.

Ginanap ang party na inspired sa hit Netflix series na Euphoria sa Axon Hall ng Green Sun Hotel sa Chino Roces sa Makati City.

Kumpleto siyempre ang buong pamilya ni Yohan na sina Ryan at Juday kasama ang dalawang nakababatang kapatid ni Yohan na sina Lucho at Luna Agoncillo.

Dumalo rin ang pamilya nina Ryan at Judy Ann, kabilang na ang parents ni Ryan na sina daddy Chito at mommy Nina Agoncillo at nakatatandang kapatid ni Ryan at pamilya nito, at ang ina ni Judy Ann na si mommy Carol Santos at kuya ni Juday na si Jeffrey Santos at pamilya nito.

In attendace rin ang Megastar na si Sharon Cuneta with husband Senator Kiko Pangilinan and children Frankie, Miel and Miguel minus KC Concepcion.

Nasa party rin ni Yohan (na November 8 ang eksaktong kaarawan) si Dominic Roque minus girlfriend Bea Alonzo na nasa Cebu for a Start-Up PH event.

In full party mode rin ang Dabarkads na si Ryzza Mae Dizon na co-host ni Ryan sa Eat Bulaga!, ang sikat na fashion designer na si Paul Cabral, ang makeup artist na si Juan Sarte at ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer na lumagare sa party ni Yohan at sa M4D o Martin 4 Decades concert ni Martin Nievera sa The Theater At Solaire.

Para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ay may swab test muna at kailangang negative sa COVID bago makapasok sa mismong venue ang lahat ng mga dumalo.

Ni Rommel Gonzales

The post Ryan at Juday ipinag-party ng bongga ang anak na si Yohan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments