Senado tatalupan ‘baho’ ng Landmark – Tulfo

Dumulog na sa Raffy Tulfo in Action ang dating cashier ng Landmark Makati na na-short sa pagkakaha at inakusahang ninakaw ang pera.

Matatandaang inilabas sa social media ng nagpakilalang empleyado na si Erika Joy Buendicho ang insidente na nangyari raw sa ikatlong araw pa lamang niya sa trabaho, kung saan pinilit umano siyang aminin na ninakaw ang pera at pinababayaran sa kanya ang na-short sa kanyang P4,993.71.

Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa mga dating empleyado o kasalukuyang empleyado ng Landmark sa buong Pilipinas na nagkaroon din ng problema o nakaranas ng kaparehong insidente sa nasabing mall na huwag matakot at lumapit sa kanyang tanggapan sa Senado upang maimbestigahan.

Sinubukan ng programa na makausap ang Landmark ngunit tumanggi umano itong magbigay ng pahayag. (Issa Santiago)

The post Senado tatalupan ‘baho’ ng Landmark – Tulfo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments