TV5 star sanib-puwersa sa Cignal Entertainment Showbiz Caravan

Ni: ROLDAN CASTRO

Matagumpay na nairaos ang “No tricks, just treats” na handog ng mga nagkikinangang Kapatid stars dahil magsasama-sama sila sa unang pasada ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan noong Sabado sa Starmall EDSA Shaw!

Sa unang pagkakataon, nagsama sa iisang entablado ang mga bida ng original Cignal Entertainment offerings sa TV5 – Sing Galing, Suntok Sa Buwan, Sing Galing Kids, Oh My Korona, at Kalye Kweens.

Walang humpay na kantawanan, sayawan, chikahan, at maritesan kina Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua atbp.

Nagpakitang-gilas din sina Singtokers Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab; at ang rising P-pop girl group na BLVCK ACE. Nangamusta rin si Reelfriend Katkat Manimtim mula sa Reelverse.

Abangan ang next stop ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan – sa Vista Mall Taguig on November 19, 2022.
Samantala, tuluy-tuloy ang saya at drama sa Cignal Entertainment shows; mapapanood sa TV5 ang Sing Galing at Suntok Sa Buwan tuwing Lunes, Martes, at Huwebes mula 6:30 PM, at ang Sing Galing Kids, Oh My Korona, at Kalye Kweens tuwing Sabado mula sa 6 PM. Maaari ring balik-balikan ang mga palabas na ito sa CignalPlay via desktop and mobile app.

The post TV5 star sanib-puwersa sa Cignal Entertainment Showbiz Caravan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments