Sanya nirereto kay Alden

NI: ARCHIE LIAO

Nasa Bangkok ngayon ang Kapuso actress na si Sanya Lopez for a much needed vacation.

May gagawin kasi siyang proyekto probably with Gabby Concepcion, her favorite leading man after the success of “First Lady.”

For a change, may pagka-thriller daw ito pero ayaw pa niyang i-divulge ang detalye hangga’t hindi pa napa-finalize ang project.

During the long weekend, sinamantala niya ang panahon para makapag-recharge sa Thailand kung saan binisita na ang iba’t-ibang pamosong tourist spots sa tinaguriang land of smiles.

Kasama sa kanyang itinerary ang pagpunta sa mga templo roon, food tripping at pagsa-shopping sa Maeklong Railway Market.

Habang nasa isang templo, nag-post siya ng kanyang picture na nag-i-stroll sa area.
May caption itong: “have you seen my prince?”

Dahil sa kanyang post, nag-react ang kafaneyan sa kanyang emote.
May mga nagsabing naroon din ang Kapuso actor na si Alden Richards for a break.
May mga katkatera pang mega-react na baka may tryst o tagpuan daw sila ni Alden sa nasabing Asian country.
Hirit naman ng ilan, hindi raw kaya ang hinahanap ni Sanya na prinsipe ay ang bedimpled actor na nakatrabaho niya noon sa seryeng “Victor Magtanggol.”

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
Same with Alden who’s in Thailand . I think 🤔 he’s your prince looking at 😉
Eheemmm Ate Shai Baka nasa tabi tabi lng po ang love life mo😜
Uyyy asa Bangkok dn si Alden malabss 😂😂
Anjan din si alden baka sya yung prince mo😂
Love is in the air❤❤❤Alden is there also😍😍😍 (Archie Liao)

The post Sanya nirereto kay Alden first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments