Barangay ex-o kalaboso sa niluray na PWD

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), ang isang senior citizen na Barangay Ex-0 na gumahasa sa isang menor de edad na may kapansanan kamakalawa sa Bagong Silang, Sucat, Muntinlupa City.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Roberto Quiroz, ng Manila RTC Branch 29 sa suspek na si Orlando Madriaga, 60, taga-156 Lot 3, Barangay Silang, Muntinlupa City.

Naaresto ng mga operariba ng SMaRT si Madriaga, alas-5:45 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon sa MDIT-RIU-NCR, ang SMaRT sa kinaroroonan ng suspek.

Nang matiyak sa surveillance operation na doon nakatira ang suspek ay isinagawa ang pag-aresto.

Sa record, naganap umano ang panggagahasa sa biktima noong Agosto 11, 2012 sa may Arlegui St., Brgy 387, Quiapo, Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang suspek at hinihintay ang commitment order ng korte. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Barangay ex-o kalaboso sa niluray na PWD first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments