Benjamin Alves at Chelsea Robato, engaged na

Nag-propose na si Benjamin Alves sa kanyang long-time girlfriend na si Chelsea Robato!

Inihayag ito ni Benjamin sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account kung saan nag-post siya ng larawan nila ni Chelsea na magkayakap habang napapalibutan sila ng mga bulaklak at may backdrop na “Will you marry me?”

Sa pangalawang larawan ay makikita ang kamay ni Chelsea suot ang kanyang engagement ring.

Si Chelsea ay isang vlogger at digital influencer at si Benjamin naman ay isang Sparkle artist ng GMA. (Rommel Gonzales)

The post Benjamin Alves at Chelsea Robato, engaged na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments