Miss Universe Philippines Bea Gomez nanawagan ng tulong para sa nasalanta ng baha

Nanawagan ng tulong at donasyon para sa mga nasalanta ng flash flood sa Misamis Occidental si Miss Universe Philippines 2021 Bea Gomez.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Bea ng panawagan sa kanyang mga fans at supporters na mag-donate ng damit, tubig, pagkain at kumot para ayudahan ang mga binaha.

Inilagay rin ni Bea ang impormasyon kung saan maaaring makipag-ugnayan para sa mga magpapahatid ng tulong.

Hindi ito ang unang beses na kumilos si Bea upang sumaklolo: katuwang rin niya dati ang kanyang mga supporters sa mga batang nasalanta ng bagyong Odette at sa mga nasunugan sa Mandaue.

Hinangaan si Bea noon dahil tumulong siya sa mga sinalanta ni Odette kahit mismong ang pamilya niya ay kabilang sa mga binagyo ni Odette sa Cebu. (Rommel Gonzales)

The post Miss Universe Philippines Bea Gomez nanawagan ng tulong para sa nasalanta ng baha first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments