DonBelle kinabog ang KDLex

Nagsisigawan ng may kasamang maigting na palakpakan ang mga DonBelle fan. Ang dahilan sa kanilang nag-uumapaw na kaligayahan ay ang katotohanang ang kanilang iniidolong sina Donny Pangilinan at Belle Mariano lamang ang bukod tanging pinagpala sa lahat ng Kapamilya love teams na may inanunsyo na agad na proyektong sila ang bida.

“Can’t Buy Me Love” ang pamagat ng bagong proyekto ng DonBelle na magsisilbing kauna-unahan nilang television serye.

May dalawang season ang “He’s Into Her” nila at naging relatively matagumpay ang kanilang dalawang pelikula.

Kahit pa nga wala pang cast at hindi pa alam if this another rich boy average girl trope para sa DonBelle fandoms, ang kanilang mga minamahal ang bagong golden pair sa Kapamilya kingdom.

Para sa kanila, “Eat your heart out KDLex, mga great pretender to the love team supremacy lang kayo. Ang DonBelle talaga ang supreme love team!”

Ang KDLex siyempre pa ay ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad. Dahil sa pangyayaring ito, tinimbang ka ngunit kulang ang KDLex at no way near ang mga ito sa Pangilinan at Mariano reel at real tandem.

Well, naway itodo niyo nga ang suporta sa bagong proyektong ito na DonBelle ang leads. Talagang deserving ang Pangilinan at Belle partnership sa panalong oportunidad na ito.

The post DonBelle kinabog ang KDLex first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments