Negosyante timbog sa pekeng yosi

ARESTADO ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG)-Cavite sa isang entrapment operation ang may-ari ng isang tindahan at tauhan nito dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng hapon.

Kasong paglabag sa RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).ang kinakaharap ng suspek na si Ruby Vic Bucsit y Germones, may-ari ng tindahan at Apple Anzures y Deciembre, Store Staff nito.

Sa ulat, alas-singko kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIDG Cavite PFU matapos makatanggap ng reklamo na nagtitinda ng pekeng sigarilyo ang tindahan ni Bucsit, sa Block 78 Lot 17 Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martires City

Nasamsam sa nasabing tindahan na aktong ibinebenta ang sampung packs ng Marlboro Red na may market value na P1,000; 10 pakete ng Marlboro Gold na nagkakahalagang P1,000 habang nakumpiska sa tindahan ang 16 pakete ng Marlboro Ren na may market value na P1,600; 19 na pakete ng Marlboro Gold (P1,9900); at boodle money o kabuuan na P4,500. (Gene Adsuara)

The post Negosyante timbog sa pekeng yosi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments