Ni Rommel Gonzales
Malamang ay paghahanda na para sa nalalapit nilang pagpapakasal ang pagpapakilala ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza sa kanyang lola, tito at tita.
Ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang mismong nag-post ng mga larawan nina Arjo, Maine, ang lola Rose ni Arjo at tiyahing si Janice at tiyuhin na si Kenneth
May kalakip na caption ang mga larawan sa IG account ni Sylvia na obvious na masayang-masaya sa magandang gesture ng magkasintahan.
“Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napaka busy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo. Napakasaya ng puso ko
Salamat mga anak
Truly appreciated!!!
Love u both”
Nag-comment naman si Maine sa naturang post ng kayang soon-to-be mother-in-law ng tatlong heart emojis
Apat na taon na ang relasyon nina Arjo at Maine sa December 21
at nag-propose si Arjo ng kasal kay Maine nito lamang July 28, 2022.
The post Pagpapakilala ni Arjo kay Maine sa kanyang pamilya hudyat na nga ba ng nalalapit nilang pagpapakasal? first appeared on Abante Tonite.
0 Comments