ROTC `di dapat magastos sa magulang, estudyante – Bong Go

Suportado ni Senador Christopher `Bong’ Go ang hakbang na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga eskuwelahan dahil magbibigay ito ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng national security at crisis management effort ng pamahalaan.

Subalit giit ni Go, dapat magkaroon ng masususing pag-aaral sa plano dahil maaring makaapekto ito sa edukasyon ng mga estudyante na kasama sa nasabing programa.

Bukod dito, kailangan din aniyang siguruhin na hindi magiging dagdag na gastusin sa mga magulang at estudyante ang pagbabalik ng ROTC.

Nauna nang sinabi ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa, chairperson ng Senate sub-committee na tumatalakay sa panukala, na kinukonsidera ng gobyerno ang partisipasyon ng parehong lalaki at babaeng estudyante sa programa.

Giit ni Go, dapat ikonsidera ng pamahalaan ang lahat ng opsyon, ito man ay mandatory o hindi.

“Kung physically fit naman at pabor naman silang sumali, kasi hindi naman po for military training lang ang ROTC. May iba diyan sa disaster, gusto nilang tumulong sa ating mga kababayan,” ani Go.(Dindo Matining)

The post ROTC `di dapat magastos sa magulang, estudyante – Bong Go first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments