Sinibak na ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo sa puwesto ang opisyal ng PDEA- National Capital Region (NCR) na naaresto, kasama ang dalawang ahente nito at isang driver sa drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan.
Sa isang pulong balitaan kahapon sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, inanunsiyo ni Lazo ang pag-relieve sa puwesto kay PDEA-NCR Director Christian Frivaldo.
Siya ay papalitan sa puwesto ni Emerson Rosales, na dating director ng PDEA-Western Visayas.
Sinabi naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon na si Frivaldo ay sinibak dahil sa command responsibility.
Matatandaang inaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Taguig, ang director ng Southern District Office ng PDEA-NCR, gayundin ang dalawang ahente at driver nito.
Nakumpiska sa suspek na sina SDO director Enrique Lucero, PDEA agents Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver ni Lucero na si Mark Warren Mallo, ang 1.35 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9.18 milyon, buy-bust money, 4 baril at digital weighing scale. (Dolly Cabreza)
The post PDEA-NCR exec, sibak sa Taguig drug bust first appeared on Abante Tonite.
0 Comments