Senior citizen bumulagta sa tingga

PATAY ang isang senior citizen nang barilin ng isang gunman na hinihinalang naghiganti umano sa Dumangas, Iloilo.

Sa ulat, nangyari ito nitong Sabado kung saan kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Lelia Gilapay.

Nasa loob ito ng bahay nang barilin ng mga suspek sa labas.

Sinasabing gumanti umano ang pumatay kay Gilapay.

Lumalabas kasi na nitong nagdaang Oktubre napatay sa pamamagitan ng pananaksak ang kapatid ng suspek na hindi pinangalanan.

Ang nakasaksak ay ang anak ni Gilapay.

Ito ang paunang hinala ng mga awtoridad kung bakit binaril ang matanda. 

Patuloy ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga salarin. (Catherine Reyes)

The post Senior citizen bumulagta sa tingga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments