Tifanny ‘di nagpasapaw kina Jake, Dimples

Sumabay at hindi nagpahuli ang new talent na si Tiffany Grey kina Jake Cuenca at Dimples Romana sa aktingan .

Palaban din siya sa hubaran at pakikipag-love scene kay Sean de Guzman sa “My Father, Myself,” ang 2022 MMFF entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network.

Matapang si Tiffany sa kanyang mga eksena, sa kissing scenes nila ni Sean, sa bed scene at sa iba pang eksena. Nakitaan siya ng boobs at makikita rin ang mga hubad nilang katawan ni Sean.

Sa short interview ,inamin nitong nahirapan siya sa kanyang mga eksena lalo na at si Joel Lamangan ang kanyang director. Pero dahil magaling na director, na-motivate si Tiffany .Inilabas niya ang kanyang acting, binuyangyang ang boobs at ang hubad na katawan.

Nakasabay namin siya sa restroom sa Trinoma at kinongratulate namin at “thank you po” ang isinagot.
Hindi maipalabas sa SM cinemas ang “My Father, Myself” dahil R-18 ito, pero naniniwala kaming kikita ito dahil bukod sa maganda, tutulong ang mga nakapanood na na i-promote ang pelikula.

Mapapanood ito sa Ayala Circuit, Ayala Cloverleaf, Ayala Manila Bay,Eastwood,Fairview Terraces,Festival Alabang,Fishermall QC, Gaisano Davao, Gaisano Grand Citygate, Gateway, Glorietta, Greehills,Market Market, Powerplant Makati, Robinsons Cebu, Robinsons Magnolia, Sta Lucia, Trinoma,Venice Cineplex, Vista Taguig.

The post Tifanny ‘di nagpasapaw kina Jake, Dimples first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments