Mariel Paskong ‘nganga’ kay Robin

Umandar na naman ang chika quotient ng ilang usyosera dahil sa ipinost ni Mariel Rodriguez na pagbati sa kanyang Instagram kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Kasama niya sa larawan ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela.

Mensahe niya: “Happy holidays from the tres Marias. May the spirit of Christmas be with you always. ”
May nang-iintriga namang kumpara sa ibang showbiz families na nag-post ng kanilang family pictures nitong Pasko, kapansin-pansin na wala ang mister nitong si Robin Padilla sa eksena .

Hirit tuloy ng mga sawsawera at katkatera, nag-Pasko raw si Mariel na wala si Robin.

May mga nagtatanggol naman na dapat daw na hindi na binibigyan ng kahulugan ang kawalan ng father figure sa larawan.

Understandable raw naman ito dahil isang Muslim ang senador na hindi naniniwala sa Pasko. (Archie Liao)

The post Mariel Paskong ‘nganga’ kay Robin first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments