Vhong Navarro nagpasalamat: ‘Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan”

Masaya at malayang nakapagdiwang ng Pasko si Vhong Navarro kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan ilang linggo matapos siyang payagan ng Korte na makapagpiyansa kaya ipinagpapasalamat ito ng aktor.

Ipinost ni Vhong ang kanilang family pictures nitong Pasko kasama ang caption na, “Napakarami kong pinagpapasalamat … Thank you, Jesus! Happy Birthday!

“Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin maraming, maraming salamat. God bless!

“Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.”

Pansamantalang nakalaya si Vhong matapos payagan ng Taguig court na makapagpiyansa sa halagang P1 milyon. Nakalabas siya ng kulungan noong Disyembre 6, 2022 pagkaraan ng halos tatlong buwan pagkakakulong sa NBI detention center at sa Taguig City Jail dahil sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Balitang babalik na si Vhong sa pagho-host ng ‘It’s Showtime’ sa pagpasok ng 2023. Kinumpirma ng co-host niyang si Vice Ganda na babalik nga si Vhong sa Kapamilya noontime show pero wala itong binanggit na eksaktong date. (GLEN P. SIBONGA)

The post Vhong Navarro nagpasalamat: ‘Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan” first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments