Vice Ganda nanibago sa balik-MMFF: ‘Parang first time ko ulit na nag-filmfest!’

Aminado si Vice Ganda na nanibago siya sa muli niyang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival ngayong taon sa entry niyang “Partners in Crime” kasama si Ivana Alawi.

Dalawang taon din kasing hindi lumahok ng MMFF si Vice dahil na rin sa pademya. Ang huling sali pa niya ay noong 2019 sa entry niyang “The Mall, The Merrier” kasama si Anne Curtis.

Sa pagbubukas ng MMFF entries sa mga sinehan nationwide nitong Pasko, December 25, bumisita si Vice sa ilang cinemas para sorpresahin ang mga manonood ng “Partners in Crime.”

Sa pagpunta ni Vice sa SM Megamall Cinema 1 na-interview siya ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe na posted sa Twitter account ng huli.

Ayon nga sa tweet ni MJ, “WATCH: Vice Ganda joins the first screening of her MMFF movie ‘Partners In Crime’ here at SM Megamall Cinema1. She is joined by partner Ion Perez, Enchong Dee and Ivana Alawi.”

Sa video interview ay mapapanood na masaya si Vice na makitang maraming tao sa mall at marami ring pumipila sa mga sinehan para manood ng MMFF entries.

“Masaya naman. Nakakatuwa, ang daming tao sa mall. Ang daming tao sa sinehan. Nakakatuwa,” sabi ni Vice.

Tapos ay inamin niyang naninibago nga siya ulit.

“Nalulutang nga ako e. Nao-overwhelm ako. Hindi ko naiintindihan ‘yung nararamdaman ko. Natutulala ako, parang naninibago ulit ako. Parang first time ko ulit na nag-filmfest

“Kagabi hindi ako makatulog. Parang mag-a-alas singko na ako nakatulog. Parang bago ito sa akin ulit. Sobra ‘yung excitement, sobra ‘yung kaba ko,” ani.

Pero ang kaba at nerbiyos ay napalitan ng labis na kasiyahan nang makita niyang maraming nanonood ng “Partners in Crime.”

“Ninenerbyos din ako kasi hindi ko alam kung ano dadatnan ko sa mall pagpunta ko. Dasal lang ako nang dasal. Sa kotse, sabi ko, bahala ka na Lord. Tapos ayan o, pagdating namin, ang daming tao sa sinehan. So bumalik na ulit, di ba? Achieve!” bulalas ni Vice.

Sa isa pang tweet ni MJ, soldout na ang dalawang screenings ng “Partners in Crime.”

“LOOK: As of 315PM here at SM MOA Cinemas, two screenings of ‘Partners in Crime’ are already sold out. Long queue of moviegoers are back compared to last year,” ayon sa tweet ni MJ. (GLEN P. SIBONGA)

The post Vice Ganda nanibago sa balik-MMFF: ‘Parang first time ko ulit na nag-filmfest!’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments