Bahay nina Marian at Dingdong apat na taon bago nayari

Inabot pala ng apat na taon para mabuo ang dream house ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, at bukod dito ay matagal rin ang panahong ginugol sa pagpaplano nito.

“Medyo in the process kami kung saan ba dapat, anong hitsura ng bahay? Kasi dream namin ito e, so gusto namin sa bawat detalye na gagawin namin iyon talaga ang gusto naming,” kuwento ni Marian.

Ayon pa rin kay marian, araw-araw na binibisita ni Dingdong habang ginagawa ang kanilang bagong bahay.

Ano ang pinakapaborito niyang parte ng kanilang tahanan?

“Madami e, super dami talaga,” sabi ni Marian.

Siyempre naman ay may bonding silang pamilya sa kanilang anteroom para manood ng TV, pero may kani-kanyang opisina rin pala ang mag-asawa kung kinakailangan nilang mag-“me time.”

“Si Dong kasi may favorite spot siya sa labas. Ako, ‘yung pinaka-sala namin, yung favorite spot ko roon kasi nandoon yung tama ng araw ‘pag umaga. So may mga ganu’ng arte-arte moment ako.” (Rommel Gonzales)

The post Bahay nina Marian at Dingdong apat na taon bago nayari first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments