Faceshield muling ibinalik sa Miss Universe event

Nasa New Orleans sa Amerika si Dyan Castillejo para i-cover ang gaganaping Miss Universe 2022 sa January 14, January 15 ng umaga dito sa Pilpinas.

At sa isang video na pinost ni Dyan sa kanyang Instagram account ay makikitang nagtsitsikahan sila ng Philippine bet na si Celeste Cortesi.

At agad napansin ni Dyan na may mga naka-faceshield sa venue.

Ayon kay Celeste ekstrang pag-iingat raw iyon para maiwasan ang COVID-19.

Sa katunayan, may ilang kandidata ang napilitang mag-backout sa pageant dahil nagpositibo sa virus. (Rommel Gonzales)

The post Faceshield muling ibinalik sa Miss Universe event first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments