Charlie ‘sasaktan’ ni  Carlo

Kapag sinasambit mo ang pangalan ni Charlie Dizon ang kadalasang mayoryang reaksyon iyan ay “the WHO?” Pag may nagpaliwanag na mahusay itong aktres, ang kasunod na kuda ay “Babae pala siya? Bakit Charlie?” At pag sinabi mong ito ang bagong malapit ngayon kay Carlo Aquino, ang hanash na may hagupit ay “May paiibigin at ‘sasaktang’ muli sa Papa Carlo?” Hahaha.

May makakapagsabi ba sa diva that you love kung ano ang mga major, major na kaganapan sa karera nitong si Binibining Dizon? Parang ngayon lang siya muling naramdaman at naging mausisa sa kanya, huh! At lalaki pa ang dahilan kaya siya biglang naging “in” at hindi dahil sa angkin niyang ganda at husay.

Kung sila na nga ni little man/boy Aquino, wala namang masama. Binata ito kahit pa nga may inanakan na.

Kahit pa nga mahusay na aktor si Carlo, wala itong box-office draw maski itanong niyo pa kina kay Philippine sweetheart Maine Mendoza, Nadine Lustre at Julia Barretto.

Kung lalong ikagaganda ni Dizon ang closeness nila ni Aquino, lahat naman tayo mauunawaan ang mga kaganapan. Mahirap i-resist ang man boy charms at pangrahuyo nito, hindi ba naman?

Kaya kay Charlie Dizon, panalo ka sa closeness niyo ni Carlo Aquino. Naway ngayon, bukas at pang magpakailanman na iyan, huh!

The post Charlie ‘sasaktan’ ni  Carlo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments