Senior high nag-suicide sa rooftop ng iskul

Halos magkalasug-lasog ang katawan ng isang senior high school student nang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop nang pinapasukang paaralan sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Sa natanggap na report ni Northern Police District director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones, mula kay Caloocan City Police chief Col. Ruben Lacuesta, natagpuan na lamang ang duguang katawan ng 19-anyos na estudyante na nakahandusay sa likuran isang bakanteng lote ng isang university alas-6:25 ng umaga.

Agad na isinugod ng maintenance at mga guwardiya ng unibersidad ang estudyante sa MCU Hospital subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon nina Cpl. Deojoe Dador at Cpl. Ryan Ocampo, sinasabing nakita umanong umakyat sa ika-siyam na palapag ng gusali ng paaralan ang biktima at makalipas lamang ang ilang minuto ay nakita itong tumalon.

Ayon sa mga awtoridad, may nakitang dalawang hand-written suicide note ang biktima.

Sa inilabas namang pahayag ng unibersidad, labis umano nilang ikinalungkot ang pangyayari at agad silang nagsagawa ng imbestigasyon.

“It is with deep sadness that we confirm the sudden passing of a Senior High School Student this morning. (Dolly Cabreza)

The post Senior high nag-suicide sa rooftop ng iskul first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments