Will pumalag sa video scandal

META: Nanghinayang ang mga beshie na fake news pala ang tsikang may kumakalat na video scandal si Will Ashley. Wish nila, sana totoo ito.

Itinanggi ni Will ang balitang may video scandal siya sa Twitter .Sabi niya, “Sa mga nagtataka kung meron nga ba talaga akong “scandal,” wala po. Itigil na po natin ang mindset na ‘pasend’ sa iba o meron talagang totoong may ‘video” please respect sa ibang tao. Grow up people! I won’t do such a thing na makakasira sa akin o sa career ko.”

Ayan, malinaw, wala siyang video scandal, kaya sorry na lang sa mga naniwala at naghanap nito.

Pero, sino kaya ng pasimuno sa fake news na ito? Fan ba siya, may galit kay Will, basher o nilalang na wala lang magawa?

Sigurado si Will na wala siyang video scandal, kaya tigilan niyo ang bagets na seryoso sa kanyang career. Napuri nga ito sa pagganap niya sa role ni Andrew Chua sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” at drama actor in the making daw siya.

Pinost ni Will ang behind-the-scenes sa taping ng ‘Mano Po Legacy,’ his last scene bago siya mag-suicide .Nakatayo pala talaga siya sa ledge ng building kung saan siya tumalon.

“It is such an honor to portray the character of Andrew Chua-Tan. I am truly grateful and thankful for everyone who trusted me.,” bahagi ng caption niya. (Nitz Miralles)

The post Will pumalag sa video scandal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments