Mariel, Ruffa, Karla ‘sasagipin’ concert ni Toni

Ang “I Am Toni” concert ni Toni Gonzaga, mahal din ang tiket . ‘Yung VIP area na reserved seating ay P10,032 ang presyo at ang Patron A ay mabibili ng P8,976. Ang General Admission na pinakamura ay worth P898. Wala kaming nababasang nagrereklamo, ibig sabihin, sold sila sa presyo ng tiket sa concert ni Toni sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum.

Asahan pala si Mariel Rodriguez na isa sa manonood sa concert ni Toni dahil in-announce pa lang ni Toni ang kanyang concert, nag-comment na si Mariel ng “I will be there!!!”

May nam-bash pa nga kay Mariel na ang sabi, “Mariel is always there” sa tonong sarcastic. Pero, may pumuri kay Mariel dahil best friend talaga siya ni Toni at very supportive sa kanyang kaibigan.

Expected din na manonood sa concert ang mga beshie ni Toni na sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada at iba pang showbiz friends nito. (Nitz Miralles)

The post Mariel, Ruffa, Karla ‘sasagipin’ concert ni Toni first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments