24 taon most wanted sa pagpatay laglag

Sa wakas ay napasa kamay na ng mga awtoridad ang isang lalaking nasa listahan ng most wanted person sa buong Pilipinas base sa listahan ng DILG, matapos niya umanong pumatay ng isang batang lalaki at helper nito sa Negros Oriental, 24 taon na ang nakararaan.

Kinilala ang suspek na si Jose Jorgio, 59 anyos, na naaresto ng joint forces ng Caloocan City Police – Warrant Section at Northern Police District Intelligence Section.

Base sa imbestigasyon, taong 1999 nang kinontrata umano si Jorgio para paslangin ang isang babae.

Ngunit nang puntahan nito ang bahay ng target, ay hindi niya naabutan ito, at sa halip ay dalawang bata na anak ng kanyang target at helper nilang lalaki, ang kanyang nakita, kaya naman sila ang pinagbalingan ng suspek.

Napatay nito ang helper at isa sa mga bata, habang nakaligtas naman ang isa pang bata, na siyang tumestigo at positibong nagturo kay Jorgio.

Sa kabila nito, ay mariin pa ring itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing napagbintangan lamang umano siya.

Ayon pa kay Jorgio ay bumiyahe umano siya mula Negros Oriental papuntang Maynila dahil sa takot sa mga NPA, dahil dati umano siyang miyembro ng civilian forces noong martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nakatakda na ring ibiyahe ang suspek patungong Dumaguete City upang pagbayaran ang nasabing krimen. (Cherk Balagtas)

The post 24 taon most wanted sa pagpatay laglag first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments