Esmi pinahiya sa walwalan, ginilitan dyowa

Sugatan ang 34-anyos na call center agent nang laslasin ang kaniyang leeg gamit ang gunting ng lasing na misis matapos niyang sitahin nang abutang nakikipag-inuman pa sa mga barkada sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, Martes ng umaga.

Ang suspek na si Marivic Marimat Tajanlangit, 35, housewife, tubong Dumaguete ay ipinaaresto ng mister niyang si Bryan Mente Tajanlangit, 34, call center agent, kapwa nakatira sa Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, alas-9:30 ng umaga (February 7), nang maganap ang insidente sa tahanan ng mag-asawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Germito M Loria Jr., kauuwi lang umano ng mister mula sa trabaho nang madatnan ang misis na nakikipag-inuman pa sa mga kabarkada.

Dito ay nagalit ang mister kaya umalis na rin ang mga bisita ni misis na noon ay lango pa sa alak.

Pagdaka’y nagtalo ang dalawa at dahil sa napahiya sa mga barkada ay galit na kumuha ng gunting ang misis at nilaslas ang leeg ng mister.

Nagtatakbo sa labas ang lalaki at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay at ipinaaresto ang ginang.

Agad namang dinala sa Commonwealth General Hospital para gamutin ang tinamong sugat sa leeg.

Nabatid na sa loob ng 5-taon pa lang na pagsasama ng mag-asawa ay nabiyayaan na sila ng tatlong anak.
(Dolly Cabreza)

The post Esmi pinahiya sa walwalan, ginilitan dyowa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments