Guido Van Der Valk muling nagbida sa The Country Club

Sinandalan ni Guido Van Der Valk ng Netherlands ang halos-perpektong front nine upang takpan ang nakapanginginig na pagtatapos, pero wagi pa rin ng limang palo laban kay Lloyd Go sa 73 sa apektado lahat ng init at hangin upang mapanatili ang titulo ng 16th The Country Club Invitational Biyernes ng hapon sa Sta. Rosa, Laguna.

Tinapos ng Manila-based Dutchman ang fourth at final round sa 33-40 para sa six-over 294 total kabilang ang 73 rin sa opening at pares ng 74 para sa pangalawang sunod na kampeonato ng 11th Philippine Golf Tour 2023 kickpoff leg na hatid ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) at inorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

“It’s an honor to win this tournament twice. It’s very special to win back-to-back and I’m super happy that I managed to do it,” bulalas ng Manila-based Dutchman, na nagsubi ng P2M, magarang tropeo at naging pangalawang player na nakadalawang sunod na tagumpays sa event na tinawag din sa pangalawang pagkakataon na Don Pocholo Razon Memorial Cup.

May 71-299 si Go at P1M samantalang tumersera sina Micah Shin ng US (74) at Tony Lascuna 75 sa 301 para maghati sa pinagsamang P948K.

Walang TCC Invitationals noong 2015-16 at 2021-22.

“I played really good after 9 holes but I struggled a little bit at the back but I had enough of a buffer to still be comfortable,” hirit ni Van Der Valk. “I’m thrilled to have done this again and I look forward to defending my title next year.”

Wagi si Angelo Que noong 2007, limang taon makaraang ilunsad ang event ni ICTSI chairman/CEO Ricky Razon bilang pagdakila sa kanyang ama at ICTSI founder Don Pocholo. Nanalong muli ang three-time Asian Tour winner noong 2010 at 2011.

Pero ‘di tulad ni Que, na naghabol upang maitaob ang gayang three-time TCC winner na si Juvic Pagunsan noong 2010, wire-to-wire ang tagumpay ni Van Der Valk sa taong ito. Nanguna rin siya mula umpisa at nakipagsabayan hanggang sa huling butas kay Clyde Mondilla upang manalo ng isang palo tatlong taon na ang nakakalipas. (Ramil Cruz)

Caption:

Tinanganan ni Guido Van Der Valk ang TCC Invitational trophy at P2M check replica kasama sina Pilipinas Golf Tournaments, Inc. general manager Colo Ventosa (kaliwa)) at The Country Club president Chito Alarilla. (Abante TONITE Sports)

The post Guido Van Der Valk muling nagbida sa The Country Club first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments