John hindi nahirapang idirek sina Coco, Vice

Nagdiriwang si John Prats ng 30th anniversary niya sa showbiz. Kinikilala siya ngayon hindi lang aktor kundi director. Nagmarka rin siya bilang dancer at TV host.

Ano ang mas bet niya, tawaging John Prats bilang artista o direk John.

Mas komportable siya na tawaging Pratty lalo na ng mga kaibigan niya sa industriya.

Nag-start si John bilang child star noong 1992 sa ABS-CBN. Naging miyembro siya ng grupong JCS na kinabibilangan din nina Carlo Aquino at Steffano Mori. Marami rin siyang nagawang TV show at pelikula sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pero mas nagi-enjoy siya ngayon sa pagdidirek.Maku-consider niyang greatest achievement niya ito sa tatlong dekada niya sa industriya. Nabigyan daw siya ng fulfillment sa larangang ito.

Malaking break kay John ang pagdidirehe ng FPJ’s Ang Probinsyano kasama si Coco Martin.

Hindi naman daw sila nag-away ni Coco nang idirek niya ito dahil nandoon ‘yung respeto. Kung magkaroon man ng argumento sa eksena nadadaan ito sa disenteng pag-uusap.

“Ang laking factor ‘yung naniniwala siya sa akin at malaking factor ‘yung nirerespeto ko siya bilang creative,” bulalas ni Pratty.

Hindi raw mahirap idirek ang isang Coco Martin kahit superstar dahil nakikinig ito at magalang ding nagsa-suggest. Ganoon din daw si Vice Ganda.

Aminado rin siyang na-pressure siya nang idirek ang mga mahuhusay na artista ng serye gaya nina John Arcilla, John Estrada, Lorna Tolentino,Michael de Mesa atbp.

Nawindang din siya nang ipa-handle sa kanya ‘yung bed scene nina Sharon Cuneta at Rowell Santiago. Pero, nairaos naman niya ang first time na pagdidirek ng ganitong eksena.

Siya rin ang nagdiek ng star-studded 2022 ABS-CBN Christmas Special.

Pero pag wala siyang dinidirek, mapapanood naman siya na sumasayaw o nakikipagtawanan sa It’s Showtime bilang isa siya sa regular judge at mentor sa Girl on Fire dance competition.

May napatunayan na rin siya bilang concert director. Naidirehe na niya sina KZ Tandingan at Bamboo sa Pampanga, ang Rock and Soul Supremacy at si Klarisse De Guzman sa New Frontier concert nitong Her Time. Isama na rin ang unang nagtiwala sa kanya na si Moira dela Torre sa Tagpuan noong 2018 sa KIA Theater at ang Braver concert noong 2019 sa Araneta Coliseum. Siya rin ang nagdirehe ng concert ni Moira noong Feb 3 sa Araneta Coliseum, ang Moira’s 2023 World Tour.

Kapansin-pansin naman ang pagdidirehe niya sa Manila concert ni Jessi’s Zoom (the first ever solo concert ng Korean hip hop star)gayundin ang 2-leg Be You 2 concert na tampok ang K-Pop stars na TVXQ!, BoA, Chen, at Xiumin ng EXO gayundin ang fan meet ni Kim Soo-hyun na isa sa highest paid actor sa Korea ngayon.

Christmas Worship Concert naman ang dream concert niya .

“Parang wala pang gumagawa ng ganitong concert at the same time to honor God kasi parang for me lahat ng nangyayari sa akin was given by Him. So, gusto ko sana makapag-produce o makapagdirehe rin ng concert for Him.

“At saka kasi feeling ko ngayong matanda na ako parang hindi ko na nararamdaman ang Pasko. Parang dumadaan na lang siya pero nawawala ‘yung noong bata ako na dadalhin ka sa COD, dadalhin ka ng nanay mo to see the Christmas something. I don’t know kung andyan pa pero nawala na rin ‘yung mga nangangaroling na nangungulit sa mga bahay. Even before na wala pang pandemic parang nawawala na rin eh,” bulalas ni Pratty.

Tinanong namin si John kung ano pa ang kulang sa 30 years niya sa industriya. Ang sagot niya ay magdirek ng pelikula.

Panoorin ngayon Biyernes, 7PM ang tsikahan kay John Prats sa Tonite L na L sa Abante News Online Facebook, Abante YouTube channel at Abante News TikTok!

The post John hindi nahirapang idirek sina Coco, Vice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments