San Sebastian Church, tagilid sa lindol

Nagpahayag ng pangamba si Manila third district Congressman Joel Chua na posibleng gumuho ang Minor Basilica ng San Sebastian sa Quiapo, ang kauna-unahang simbahan sa buong asya na gawa sa bakal, sa sandaling may tumamang malakas na lindol sa Maynila.

Ibinulgar ni Chua, sa ginanap na Manila City Hall Reporter’s Association na kitang-kita na umano ang pagkasira ng istraktura ng simbahan.

“Yung altar niya, makikita ninyo umurong na at marami ng bukbok sa loob, kaya kinakailangan na talaga siyang i-rescue sa lalong madaling panahon kaya lamang ay malaking pera, bilyon piso ang kailangan,” ayon kay Chua.

Nabatid kay Chua na kabilang ang Sebastian Church sa 20 cultural heritage na kanilang kinilala sa Maynila na hiniling niya sa kanyang panukalang batas na kilalanin ng national cultural heritage para mai-preserba. (Juliet de Loza-Cudia)

The post San Sebastian Church, tagilid sa lindol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments