Aabot na sa isang milyong tonelada ngayong Pebrero ang mga basurang nahalukay mula sa Pasig River kaugnay ng isinasagawang cleanup project ng San Miguel Corporation (SMC).
Ayon kay SMC president at chief executive officer Ramon S. Ang, dahil sa kanilang cleanup driver ay bumuti ang kondisyon ng Pasig River matapos makalkal ang kalaliman nito mula sa mga burak at basurang naipon ng matagal na panahon.
Makakamit aniya ng SMC ang target na isang milyong tonelada ngayong Pebrero makalipas ang 20 buwan lamang na paglilinis sa Pasig River na sinimulan noong Hulyo 2021, sa suporta ng Department of Environment and Natural Resources at ng mga lokal na pamahalaan.
“Hopefully, by the time the rainy season sets in later this year, our cities will feel the benefits of the Pasig River’s larger carrying capacity, along with government’s other flood mitigation and control programs,” wika ni Ang.
Namangha maging ang Japanese shipping giant na NYK Line sa makasaysayang Pasig River cleanup na isinasagawa ng SMC na isa sa pinakamalaking inisyatiba ng isang pribadong kompanya sa bansa.
The post SMC todo kayod sa Pasig River cleanup first appeared on Abante Tonite.
0 Comments