Unang XBF Omicron subvariant, naitala sa Pinas

May na-detect na ang Department of Health (DOH) na unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBF, na recombinant sublineage ng BA.5.2.3 at CJ.1 sa bansa.

Base sa COVID-19 biosurveillance report ng DOH nitong Miyerkules, lumilitaw na ang nag-iisang XBF case sa bansa ay natukoy sa genome sequence noong Enero 28, na may collection date na Disyembre 2022.

Nabatid na bukod sa XBF, dalawa pang karagdagang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 ang natukoy, base sa genome sequence results, na inilabas mula Pebrero 7-9.

Ito ay na-detect sa 69 samples na isinailalim sa sequencing ng University of the Philippines – Philippine Genome Center, nabatid na 26 ang klasipikado bilang XBB (kabilang ang dalawang kaso ng XBB.1.5); 10 ang BA.2.3.20; tatlo ang BA.5; 2 ang BA.2.75; isang XBC; at 20 iba pang Omicron sublineages. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Unang XBF Omicron subvariant, naitala sa Pinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments