Hindi magsasampa ng kasong murder ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 23 miyembro ng Tau Gamma Fraternity (TGF) sa hazing kay Matthew Salilig.
Sinabi ng NBI, ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa anti-hazing act of 2018 at kasabay nito ay nagrekomenda ng tatlong miyembro ng fraternity na maging state witness.
Ang tatlong estudyante ng TGF Adamson University na inirekomenda para sa admission sa government witness protection program para gawing testigo sa kaso.
Sila umano ang nagturo kung saan itinapon ang bangkay ni Salilig, at naging susi para sa pagkakakilanlan ng mga responsable sa desisyong itago ang pagkamatay ng biktima na inilibing sa isang lugar sa Cavite.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang pitong respondent kabilang ang fraternity Grand Traskelion na si Tu Teng Cheng.
Limang estudyante ngayon ang nasa NBI- National Capital Region Division at ang iba ay nananatiling nakalalaya.
Karamihan sa mga akusado ay nasa edad 20 pababa at mga estudyante ng Adamson University.
Kasama rin sa kakasuhan ang may-ari ng bahay, kung saan isinagawa ang hazing rites, habang tatlong respondent ay hindi mga estudyante ng Adamson, ngunit lumahok sa seremonya ng hazing na humantong sa pagkamatay ni Salilig.
Sa ilalim ng batas, ilegal ang hazing at may parusang pagkakulong.
(Nancy Carvajal)
The post 23 Tau Gamma abswelto sa murder first appeared on Abante Tonite.
0 Comments