Aktor tinago ang dyowang bading sa gf

Marami ring mga matronix at kabadingan ang natatakam sa aktor na ito.

Katunayan, feeling ng mga maricona, mas may future siya kung magiging sex symbol siya kesa karerin niya ang pagiging dramatic actor.

Isa kasi sa ipinamagmamalaki ni actor ang kanyang six pack abs.

May mga naelya rin sa kanya lalo na kapag nagpi-flex na siya ng kanyang muscles.

May image rin si actor na may pagka-conservative at tila pa-hard to get.

Kumbaga, ang project niya ay old fashioned ang upbringing niya.

Pero ano itong bulung-bulungan ng mga matatabil ang dila tungkol sa itinatagong sikreto ni aktor.

Hirit ng mga bubuwit, may gay benefactor daw pala si aktor.

Katunayan, may tinatanggap daw itong monthly allowance sa kanyang benefactor.

Nagtataka rin kasi ang mga intrigera dahil wala namang gaanong projects si aktor ay nakapagpundar na ito ng property.

Katunayan, hindi raw aware ang dyowa nito na sustentado pala ng isang rich gay ang kanyang boyfie.

Very discreet naman daw kasi si aktor sa pagtatago kay ghurl ng kanyang iniingatang sikreto.

Sino ang aktor na ito?

The post Aktor tinago ang dyowang bading sa gf first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments