Dear Atty. Claire,
Gusto ko na pong makipaghiwalay sa aking asawa, may dalawa po kaming anak sa ngayon po tapos na sa college ang panganay at 3rd year ang pangalawa. Member po kasi ako ng LBGT community at hindi na ako masaya sa aking asawa at ayaw ko naman magpanggap at lokohin ang sarili ko na masaya pa ako sa piling niya para lang sa anak namin. Hindi pa alam ng mga anak ko kung ano talaga ako, paano ko po ipagtatapat sa kanila na isa akong bading? Meron po bang maikakaso laban sa akin ang aking asawa? Hanggang ilan taon po ba dapat sustentuhan ang bata? Please need your help…
Gumagalang,
Cholo
Cholo,
Marami siguro sa mga kababayan natin na may kaparehong problema. At sigurado ako na hindi rin nila alam ang gagawin nila.
Sa kaso mo, Manolo, ay wala akong nakikitang maaaring isampa sa iyo na kaso maliban lamang kung ikaw ay magpapabaya sa iyong katungkulan bilang asawa at ama sa mga anak ninyo. O kaya naman ay abandonahin mo sila ng walang anumang kadahi-dahilan at nagdulot ito ng emotional, psychological, at ecomic abuses.
Malungkot isipin na hindi ka na masaya dahil iba talaga ang damdamin mo at mukhang naamin mo sa sarili mo kung ano ba ang hanap mo talaga. Pero ang paghahanap mo ng kaligayahan ay maaaring magdulot ng lungkot sa mga mahal mo sa buhay.
May nakita ka na ba na siyang magpapaligaya sa iyo? Anong kaligayahan ba ang hanap mo sa ngayon? Ang kaligayahan ba na hanap mo ay mas matimbang kaysa sa pagmamahal mo sa pamilya mo? Baka naman panandalian lamang ang nakikita at nararamdaman mo at pagsisisihan sa kaulanan matapos mong masaktan ang pamilya mo. Timbangin mo ang tama sa mali. Totoo na dapat lamang na lumigaya ang isang tao….pero mali naman ang makasakit ka. Pinili mong magkapamilya at nanumpa ka na mamahalin ang asawa mo sa hirap at ginhawa .. at ngayon ay itatapon mo na lamang ito dahil sa nararamdaman mo na hindi ka masaya.
Life is too short. Kaunting panahon na lamang ang ilalagi natin sa mundo kaya pakaisip mo na lamang kung ano ba ang dapat mong gawin. Manatili ka sa pamilya mo at mahalin siya o hanapin mo ang kaligayahan mo nang wala sila sa tabi mo?
The post Bading gustong makawala kay misis first appeared on Abante Tonite.
0 Comments