‘Di rehistradong money changer P50K lang multa

Pinagmumulta ng Regional Trial Court of Mandaluyong ang may-ari ng Adahn Money Changer/Adahn Money Exchange Inc. dahil hindi ito nagrehistro sa Bangko Sentral ng Pilipinas bago magnegosyo.

Sa pahayag ng BSP kahapon, umamin ang may ari na si Tandiko Ajibon Boyo na hindi ito nagrehistro sa BSP bago nito simulan ang negosyong money-changing.

Nagsampa ng reklamo ang BSP laban kay Boyo at sa Adahn Money Changer/Adahn Money Exchange Inc. dahil labag ito sa regulations ng BSP.

Dagdag ng BSP, maaaring makulong si Boyo kung hindi nito bayaran ang P50,000 multa. (Eileen Mencias)

The post ‘Di rehistradong money changer P50K lang multa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments